SALUDO ang Malakanyang sa epektibong paraan na ginamit ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang mabawi ang ninakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma, Jr., pinakita lamang ng PCGG na nakatuon talaga ang kanilang pansin sa aspetong ito sa ilalim ng liderato ni Dean Andres Bautista.
“Sa ating pananaw ginaganap nila ang kanilang tungkulin sa epektibong pamamaraan,” ang pahayag ni Coloma.
Nauna rito, nabawi ng PCGG ang $29 million o P1.3 billion mula sa Swiss accounts ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at pamilya nito.
Ang nasabing halaga ay agad na ni-remit sa National Treasury.
The post Malakanyang saludo sa PCGG appeared first on Remate.