UPANG makaiwas sa pag-aresto, nagpiyansa si dating Camarines Sur Gov. Luis Raymund “Lray” Villafuerte ng P90,000 sa Sandiganbayan Fifth Division sa tatlong graft charges.
Ngunit hiningi pa rin ng Sandiganbayan Security and Sheriff Services Office ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) upang ihain ang warrant of arrests laban sa negosyanteng si Jeffrey Lo, may-ari ng Naga Fuel Express Zone na kasama ni Villafuerte sa kinasuhan.
Sina Villafuerte at Lo ay sinampahan ng tatlong counts ng graft noong July 30, 2013 dahil sa maanomalyang pagbili sa fuel na nagkakahalaga ng P20 milyon mula January hanggang April 2010.
Sa pahayag ng prosecution, tatlong beses na magkakahiwalay ang ginawang pagbili umano sa fuel noong 2010.
Una rito ang P5 milyon na inaprubahan noong January 22; pangalawa ang P5 milyon sa pagitan ng January 7 at 23; at P10 milyon pa noong April 7.
Nitong nagdaang eleksyon ay tumakbo si Villafuerte bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Camarines Sur ngunit tinalo ito ni re-electionist Rep. Dato Arroyo, anak ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
The post Gov. Villafuerte, nagpiyansa na sa Sandiganbayan appeared first on Remate.