NANINIWALA si House Deputy Majority Leader Sherwin Tugna na mabigat ang testimonya ni Ruby Tuason laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Binigyang diin ni Tugna, kinatawan ng CIBAC Partylist na mahirap pasinungalingan ang pahayag ni Tuason dahil meron siyang direct personal knowledge.
Aniya, sapat na ang pagsasabi ni Tuason na siya mismo ang nag-aabot kay Estrada ng perang ‘kickback’ diumano sa pork barrel para matawag siyang credible witness.
“As to her testimony in relation to Sen. Enrile, it has the same value as Benhur Luy et als testimony because there is no direct testimony that she handed him the money. But is different in the case of Senator Jinggoy because she has direct personal knowledge. She is a credible witness,” ani Tugna.
Sinabi naman ni Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga na mahalaga ang naging testimonya ni Tuason sa pagdinig maging ang kanyang sinumpaang salaysay para maging solido ang kaso ng gobyerno sa pork barrel scam.
Kaugnay nito’y sinabi ni Barzaga na maaaring mabigyan ng immunity si Tuason sa criminal prosecution.
The post Testimonya ni Tuason magpapatibay sa kaso sa mga sangkot sa PDAF scam appeared first on Remate.