LASLAS ang leeg at puro dugo ang katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang lolo sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga, Pebrero 12.
Kinilala ang biktima na si Antonio Rodriguez, 71, ng T. Santiago st., Lingunan ng lungsod.
Sa ulat, alas-9:45 ng umaga, dadalhan ng pagkain ang biktima ng kasambahay sa canteen na nasa tapat ng kanyang bahay na si Danica Ann Gomzales subalit laking gulat ng huli nang makitang nakahandusay ang lolo, puno ng dugo ang katawan habang laslas ang leeg.
Agad na sinabi ni Gonzales sa kanyang amo ang nakita na agad na tinawag sa mga pulis kung saan inaalam na kung may nawala sa gamit ng biktima at kung sino ang pumaslang sa lolo.
The post Lolo natagpuang laslas ang leeg sa Valenzuela appeared first on Remate.