PINUNA ng independent minority bloc ang mabilis na desisyon ni Justice Secretary Leila de Lima na tanggapin ang testimonya ni Ruby Tuason.
Ayon sa mga kongresista, masyadong mahilig sa trial by publicity ang kalihim.
Ikinairita rin ng grupo ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang mabilis na paghuhusga ng kalihim sa testimonya ni Tuason kaugnay ng pork barrel scam na tinawag nitong “slam dunk evidence.”
Panawagan ni Romualdez kay de Lima ay maghinay-hinay dahil ni hindi pa naiaakyat sa korte ang kaso at aniya’y dapat nitong iwasan ang trial by publicity.
Pinayuhan din ng grupo ang kalihim na huwag agad na kagatin ang testimonya ni Tuason dahil ni wala pa itong naipapakitang ebidensiya na susuporta sa mga pahayag nito laban sa mga sangkot sa pork barrel scam.
Babala pa ng IMG na posibleng nagagamit din bilang pangligaw ng atensiyon si Tuason sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Sa ngayon ay patuloy na nananahimik at mistulang untouchable si Napoles habang nakakulong sa hiwalay na kasong serious illegal detention.
The post Trial by publicity ni de Lima sinopla appeared first on Remate.