IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon na kumukwestiyon sa usapin ng political dynasties sa Pilipinas.
Sa dalawang pahinang resolusyon, partikular na ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon na inihain nina Enrique Bulan, Antonio Igcalinos, Alexander Lacson at Jose Tabada.
Nabigo raw kasi ang mga petitioner na patunayan na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Comelec.
Kinatigan ng Korte Suprema ang findings ng Commission on Elections (Comelec) na nagsasabing ang probisyon sa Section 26, Article 2 ng 1987 Constitution na nagbabawal sa political dynasties ay hindi maituturing na self-executing provision.
Ayon sa SC, ang probisyon sa Konstitusyon ay hindi maaaring ipatupad nang walang enabling law.
The post Usaping political dynasties ibinasura ng SC appeared first on Remate.