IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Justice department ang desisyon kung kailangang gawing state witness ang kontrobersiyal na pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na nasa DoJ na kung may alok nga kay Napoles na gawin itong pangunahing testigo upang madiin sina Senador Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla kasama ang iba pang mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.
“We will cross the bridge when we get there. May offer na ba?” ani Sec. Lacierda.
Sa kabilang dako, suportado naman ng Malakanyang ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na walang dahilan para pagdudahan ang testimonya ni Ruby Tuason.
Bahala na aniya ang Ombudsman na mag-evaluate ng mga testimonya ni Tuason.
Samantala, iwas-pusoy naman ang Malakanyang na sagutin ang isyu na ang paglutang ni Tuason ang makapagbibigay ng katarungan sa publiko na sumisigaw ng pagnanakaw mula sa kabang-bayan.
The post DoJ bahala kung gagawing state witness si Napoles appeared first on Remate.