SA Pebrero 19 itinakda ang public hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kaso ng Florida Bus at Mt. Province Cable Tours kaugnay sa nahulog na bus sa Bontoc, Mountain Province.
Ayon kay LTFRB Chair Winston Ginez, binigyan na nila ang Florida Bus ng hanggang Martes para magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang Certificate Of Public Convenience matapos matukoy ng ahensya ang marami nitong violation.
Nauna nang isinailalim sa 30-araw na preventive suspension ang buong fleet ng Florida Bus dahil sa pagkahulog ng bus nito sa bangin na ikinamatay ng 15 katao kabilang ang komedyanteng si Arvin “Tado” Jimenez.
Samantala, nananatili naman ang kumpiyansa ni Pangulong Noynoy Aquino kay LTFRB Chair Winston Ginez sa kabila ng sunod-sunod na aksidente sangkot ang mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, puspusang ginagawa ng LTFRB ang lahat ng mga nararapat na hakbang kaugnay ng mga aksidente pero wala anyang kakayahan ang ahensya na makita ang mga magaganap na aksidente.
The post Public hearing sa kaso ng Florida bus sa Pebrero 19 appeared first on Remate.