Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Toni ‘kinikilabutan’ sa himas ni John Lloyd

$
0
0

INAMIN ni Toni Gonzaga na nakakailang take sila sa taping ng Home Sweetie Home na napapanood tuwing Linggo ng gabi sa ABS CBN dahil hindi pa siya sanay sa himasan, lingkisan at tukaan-mga bagay na ginagawa lamang ng mga bagong mag-asawa.

Nangangalisag daw ang mga balahibo ni Toni sa tuwing ang eksenang kukunan ay ang bed scene nila ni John Lloyd Cruz. Lalo na raw noong unang mga shoot nila, lagi na lang daw napapasigaw ng ‘cut’ ang executive producer na si Ms. Linggit Tan dahil hindi nga impresibo at ‘di rin kumbinsido siya sa akting ng magaling na host/comedian. Lately na lang nakakapag-adjust ang dalaga dahil siguro unti-unti na siyang nasasanay sa mga romansa ni John Lloyd. Hehehe!

***

Kinumpirma ni Karylle sa kanilang programang “It’s Showtime” noong Sabado na tuloy na ang kasal nila sa Marso ni Yael Yuzon, ang bokalista ng bandang SpongeCola.

“Next month we wed and the new chapter begins.”

Ang actress/singer/host ay 32 years old na, samantalang ang kanyang nobyo ay 30 years old naman.

Ang kanilang relasyon ay unang pumutok noong bago magtapos ang taong 2010 at madalas ay nakikita na silang magkasama. Pinakita ni Yael na talagang seryoso siya kay Karylle dahil habang nagso-shoot ito  sa Singapore sa kanyang first international TV project  na “The Kitchen Musicale” ay naroon naman siya para suportahan ang huli.  At maging sa bakasyon noon ng buong pamilya ni Zsa Zsa Padilla sa Maldives ay join din ang band artist.

***

ANAK NG YOUNG ACTRESS NANGHINGI NG PAGKAIN SA PRESSCON

Super cute ang anak ng young actress sa isang young actor na di pinanindigan ang pagiging ama. Sosyalera ito at hindi yata marunong magsalita ng Tagalog. Iyon nga lamang, kulang marahil ito sa lafang dahil sa isang presscon kung saan bida ang kanyang nanay ay na-shocked ang isang reporter nang walang hiya-hiyang humingi sa kanya ng pagkain ang bata na noo’y pakalat-kalat sa nasabing event.

Sabi nito gutom na gutom na raw siya kaya kung puwede ay hihingin daw nito ang kinakain ng movie scribe.

Bibigyan sana nito ng lafanggetch ang batit pero biglang dumating ang nagaalaga rito at biglang dinaklot na parang alagang poddle lang.

Ni hindi pinansin ng yaya maria ang protesta ng bata na siya’y gutom na gutom na.

Aba’y dapat tutukan ni mommy na may serye tuwing hapon sa malaking network ang kanyang anak. Baka bukas-makalawa ay malaman na lang niya may ulcer na pala ito.

***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!

The post Toni ‘kinikilabutan’ sa himas ni John Lloyd appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>