PATAY ang isang sekyu habang sugatan ang isang pahinante nang pagbabarilin ng kapwa sekyu nang maghinala ang huli na sinisiraan siya ng mga una sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Pebrero 8.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Saturnino Barcenal Jr., ng New Manila, Quezon City.
Ginagamot naman sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si alyas Jonathan.
Sumuko naman sa mga pulis si Roy Padayanan, 36 ng Ponce st., Bagong Barrio ng lungsod.
Sa ulat, alas-10:15 ng umaga, nakatayo ang nasawi sa parking area ng Aqua Sweet Mineral Water sa M.H. Del Pilar st., sa pagitan ng 8th at 9th Avenue ng lungsod nang lapitan at putukan ng suspek.
Naglakad papalayo ang suspek at nang madaanan si Jonathan ay pinutukan din bago sumuko sa mga pulis habang dinala naman sa MCU ang pahinante.
Lumalabas na pinaghihinalaan ng suspek na sinisiraan siya ng mga biktima sa mga kasamahan babae na naging dahilan upang magalit at putukan ang mga biktima.
The post Sekyu utas sa tamang hinalang kabaro appeared first on Remate.