INAMIN ngayon ni Liza Diño na sobrang saya niya dahil sa wakas ay engage na sila ng kanyang GF na si Aiza Seguera although paghahandaan pa umano nila ang kasal.
Ito ay makaraang mag-propose sa kanya si Aiza sa Teatro Hermogenes Ylagan sa UP Diliman.
Ang akala raw niya ay mayroon silang fund-raising play dahil todo rehearsals pa sila.
Pero matapos ang performance ay inilabas ng singer ang diamond-studded sapphire ring at nag-propose sa kanya.
Si Diño ay dating beauty queen at kinilalang best actress sa International Film Festival sa Manhattan dahil sa pagganap nito sa indie film na “Compound” noong 2012.
The post GF pakakasalan na ni Aiza Seguerra appeared first on Remate.