Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mastermind sa gumilit sa mag-ama sa Malabon sumuko na

$
0
0

TULUYAN nang nalutas ng mga Malabon pulis ang karumal-dumal na pagpatay at pagnanakaw sa isang mag-ama sa Malabon City matapos na sumuko na rin ang mastermind nito kay Mayor Lenlen Oreta kaninang umaga.

Alas-8:00 ng umaga nang samahan ang suspek na si Aries Santos, 30, ng kanyang mga kamag-anak sa tanggapan ni Oreta matapos ang pakikipagnegosyon sa live-in partner nitong si Louisa at tatay na si Ayie.

Ayon pa sa alkalde gabi ng Biyernes nang magpasya ang suspek na sumuko na sa mga awtoridad kaya’t agad itong pinuntahan sa Tanauan City, Batangas kung saan ito nagtago matapos ang pagnanakaw at pagpatay sa mag-amang Felizardo Coralde, 47, at Albert, 19 sa loob ng bahay ng mga ito sa N. Vidal, Brgy. Ibaba, nasabing lungsod.

Matatandaan na unang sumuko sa mga awtoridad ang kasabwat ni Santos na si Anthony Sernechez matapos makonsensiya sa ginawa nilang pagnanakaw at pagpatay sa mag-ama.

Nilinaw din ni Sernechez na siya ang nagtali sa mag-ama habang si Santos ang gumilit sa leeg ng mga biktima nang makilala sila ng nakababatang Coralde.

Base pa sa rekord ng pulisya, dakong 2:30 ng madaling-araw noong February 5 nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng mga Coralde sa pamamagitan ng pagdaan sa bakod ng mga ito hanggang sa makaaykat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kuwarto ng mag-ama.

Matapos makapagnakaw ay nakita ang mga suspek ng mag-amang Coralde at dahil sa takot na makilala ay ipinasya ni Santos na patayin ang mga biktima bago mabilis na nagsikatas.

The post Mastermind sa gumilit sa mag-ama sa Malabon sumuko na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


PAGBABATA


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


KANTUTAN


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


KUDA


MAALIWALAS


PANGIMBULUHAN


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


15-anyos, niluray ng amain


WAKAWAK


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Traffic enforcer, todas sa pamamaril sa Parañaque


Ibong Adarna Script


KATIPAN


DUMARATAL


I love you, goodbye: Babaeng nag-I love you sa katawagan, ginilitan ng...


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>