PINAGHAHANAP na ng mga pulis ang dalawang lalaki na miyembro ng acetylene gang na bumiktima ng Sanglaan sa Valenzuela City noong Enero 30.
Dahil nakuhanan ng closed circuit television, nakilala ang mga suspek na sina Dave Tiiwan na nahuli na noong Enero 31, 2012 matapos mambiktima sa Imus, Cavite at Richard Apapply na nahuli sa Quezon City noong Oktubre 2, 2008 kapwa miyembro ng Acetylene gang.
Lumalabas na noong Enero 30, 2013, sa pagitan ng ala-1 at alas-4 ng madaling araw, nang pasukin ng mga suspek ang Cebuana Lhuillier Pawnshop sa MacArthur Highway, Dalandanan ng lungsod.
Sumikat na ang araw nang malaman ng guwardiyang naka-duty ang pangyayari kung saan agad na sinabi sa mga pulis.
Lumalabas na gumawa ng tunnel ang mga suspek at bumutas sa dingding ng sanglaan upang makapasok at makapagnakaw.
Nang panoorin ang cctv ay nakita ang dalawa na naging dahilan upang suyurin ng mga pulis ang Olongapo dahil nagka-casino raw ang mga ito.
Gumagamit ng sasakyan Everest (AEP-854) at Pajero (XTC-433) ang mga suspek na patuloy na tinutugis kung saan hindi naman sinabi ng mga pulis kung magkano ang natangay sa sanglaan.