WALANG epekto sa paghahanda ng komisyon para sa nalalapit na halalan sa bansa ang pagretiro nina commissioners Rene Sarmiento at Armando Velasco.
Tinuran ni Usec. Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bagama’t nagtapos na ang 7-year term ng dalawang opisyal noong Sabado, Pebrero 2 ay naka-tuon naman ang atensyon ng iba pang poll body officials sa darating na halalan, sa pangunguna ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.
“Dalawang opisyal lang naman ito, ‘yung iba pa nandiyan sa Comelec. Hopefully, hindi naman maaantala ‘yung kanilang paghahanda,” ani Valte.
Sinabi pa ni Valte na bagama’t wala pang opisyal na anunsyo ang Pangulong Benigno Aquino III, mayroon na umanong “shortlist” ang punong ehekutibo na maaring pagpilian nang ipapalit kina Sarmiento at Velasco.
“Ang alam ko naman po may shortlist na,” ang pahayag ng opisyal.
Nananalig naman si Brillantes na kaagad mapupunan ang mababakanteng posisyon ng dalawang komisyoner.