NANINDIGAN ang isang Obispo ng Simbahang Katoliko na dapat na patuloy na payuhan at gabayan ng church leaders at ng mga magulang ang mga kabataan para makaiwas sa pre-marital sex.
Ito’y kasunod ng 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study na nagsasabing isa sa tatlong kabataang Pinoy na nagkaka-edad 15-24 ay nakikipagtalik na.
Ang naturang pigura ay tumaas ng 14 percent mula sa resulta ng pag-aaral may 20 taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dapat na maging isang malaking hamon sa simbahan at sa mga magulang ang naturang pag-aaral upang mailayo ang mga bata sa pre-marital sex.
Ayon naman kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Youth (ECY), nakakaalarma ang bilang ng mga kabataang nasasangkot sa sexual activities sa batang edad.
Lumilitaw aniya sa naturang pag-aaral na nasa 6.2 milyong kabataan na ang nakikipagtalik sa kanilang mga kasintahan bago pa man sila maikasal.
Nanindigan pa si Bastes na pinalala lamang ng Reproductive Health (RH) law ang imoralidad sa mga kabataan.
The post RH law, nagpapalala sa pre-marital sex appeared first on Remate.