Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3 Catholic schools, plano na rin ang August opening of classes

$
0
0

TATLO pang Catholic schools ang nagbabalak na ilipat ang petsa nang pagbubukas nila ng klase sa kanilang paaralan at ibase ito sa international school calendar.

Ayon kay Catholic Educators Association of the Philippines (CEAP) Advocacy and Information Management Officer Anthony Coloma, kabilang sa mga naturang Catholic schools ay ang De La Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST) at Adamson University (AdU).

“As far as I know, the other CEAP members schools discerning are the De La Salle University, University of Santo Tomas and the Adamson University,” ani Coloma.

Una nang inianunsiyo ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang pag-adopt ng August to May school calendar para sa mga undergraduate at graduate schools simula sa school year 2015-2016.

Nilinaw naman ni Coloma na bagamat ang Ateneo ay miyembro ng CEAP, may sariling diskresyon at communal decision ito kung nais nitong magkaroon ng bagong school calendar.

Ani Coloma, ang Ateneo, La Salle at UST ay pawang “autonomous schools” dahil sa mahabang tradisyon ng mga ito ng ‘excellence’ sa area ng edukasyon.

Bukod sa Ateneo, inianunsiyo na rin ng state-run University of the Philippines ang paglilipat ng opening ng kanilang klase mula Hunyo hanggang Agosto para sa academic year 2014-2015, maliban na lamang sa Diliman campus nito.

The post 3 Catholic schools, plano na rin ang August opening of classes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>