APAT na tattoo artists na kinabibilangan ng komedyanteng si Arvin “Tado” Jimenez o mas kilala sa Tado at 11 iba pa ang namatay sa malagim na trahedyang naganap sa Bontoc sa Mountain Province.
Matatandaan na kaninang alas-5:30 ng umaga nang mahulog sa may 500 metro lalim na bangin ang bus na kinalululanan ng komedyante at iba pa na ang karamihan ay mga turista.
Naulila ni Tado ang kanyang misis at apat na anak na sina Leidulataja, Katrina May, Indi at Tila.
Dalawang foreigner din na kinabibilangan ng Dutch at Canadian national ang kabilang sa mga namatay.
Patuloy namang inaalam ang sanhi ng insidente at pagkilatis sa lisensiya ng Florida bus na ngayon ay nalalagay sa balag ng alanganin ang operasyon.
The post UPDATE: Comedian Tado, 14 pa todas sa bus na nahulog sa bangin appeared first on Remate.