BINABANTAYAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang report na manggagaling kay Justice Sec. Leila de Lima kaugnay sa panunumpa ni Ruby Tuason, tumatayong provisional state witness ngayon sa pork barrel scam.
Sa isang panayam, matapos ang Philippine Army Change of Command sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City ay sinabi nito na malaki ang maidaragdag ng magiging testimonya ni Tuason sa usaping ito subalit hangga’t hindi pa aniya napagtatagumpayan ang pag-execute ng affidavit at pag-subscribe sa affidavit ay malinaw na hindi pa tapos ang proseso.
Kumbinsido naman ang Chief Executive na makatutulong ang mga itutugang pahayag ni Tuason sa pagsasara sa kabanatang ito na nangyari [na] pang-aapi sa sambayanan.
Sinabi pa rin aniya na mayroong kasabihan na ayaw niyang mausog kaya’t ingat siyang mag-komento sa isyung ito.
Sa kabilang dako, sinabi pa rin niya na ang pagiging pangunahing testigo ni Tuason sa usaping ito ay ibinatay sa criteria.
The post PNoy, binabantayan ang report ni de Lima appeared first on Remate.