Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Affidavit ni Tuason, ‘slam dunk evidence’

$
0
0

SLAM DUNK evidence!

Ito ang pagsasalarawan ni Justice Secretary Leila de Lima sa isinumiteng affidavit ni Ruby Tuason.

Ayon kay de Lima. Bahagi ng salaysay ni Tuason na siya ang tumatayong agent nina Sen. Juan Ponce-Enrile at Sen. Jinggoy Estrada sa kontrobersiyal na P10 billion na pork barrel scam.

Batay sa 15 pahinang affidavit ni Tuason inamin nito ang kanyang partisipasyon sa maanomalyang transaksyon.

Siya anya ang nagpakilala kay  Janet Lim-Napoles kina Senator Enrile, Estrada at Bong Revilla na may kapalit na 1.5 percent bilang referal fee noong 2004.

Inamin din aniya ni Tuazon na nabibigyan ng 40 percent commission ang mga senador sa bawat pondo na lumalabas sa kanilang PDAF.

May mga pagkakataon anya na siya ang naghahatid ng pera kina Enrile at Estrada sa Senado sa pamamagitan ni Atty. Gigi Reyes habang nasa basement parking siya dumadaan upang hindi ma-check ang dala niyang bag.

Ibinunyag din ni Tuason na sangkot din sa kontrobersiyal na P900 million na Malampaya fund scam ang dating abogado ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo na si Atty. Jess Santos.

Sa pulong balitaan, binigyang diin ni de Lima, na sa affidavit ni Tuason tinukoy nito na si mismong si Atty. Jess Santos ang mismong kumukuha ng pera sa bahay ng kaniyang kapatid bilang kickbacks mula sa naging transaksiyon sa NGO ni Janet Lim-Napoles.

Sa kabila nito, aminado si De Lima na hanggang ngayon ay hindi pa direktang matukoy ng NBI kung may kaugnayan si Tuason na nakatanggap ng nasa P242.8 million na kickbacks mula sa Malampaya scam kay dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Si Tuason ay kabilang sa kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman kasama sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating Budget Secretary Rolando, at maraming iba pa.

The post Affidavit ni Tuason, ‘slam dunk evidence’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan