KALABOSO ang isang mister matapos inguso ng mga kalugar na may dalang baril at nahulihan pa ng shabu dahil sa takot ng mga huli makaraang ma-involve sa mga patayan ang una sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Enero 5.
Nakilala ang suspek na si Hooker de Guzman, 27, ng Gen. Evangelista St., Bagong Barrio ng lungsod.
Sa ulat, alas-10:45 ng gabi, makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na may dalang baril ang suspek sa nasabing lugar.
Nang respondehan ay hindi na nanlaban ang suspek at nakuha ang dalang kalibre .38 at isang sachet ng shabu.
Nabatid na natatakot ang mga kalugar ng suspek dahil sa balitang nasangkot sa pagpatay ang huli sa kalapit na lugar.
Inaalam na ng mga pulis kung sangkot nga sa pagpatay ang suspek sa lugar na sakop na ng Quezon City.
The post Mister kalaboso sa baril at shabu sa Caloocan appeared first on Remate.