Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Dutch nat’l inabandona ng nobya, nagbigti

$
0
0

NAGBIGTI ang isang Dutch national nang iwanan ng kanyang nobyang Pinay sa isla ng Boracay.

Sinabi ng Boracay Tourist Police, na may ilang oras nang patay ang biktimang si Gerrit Van Straallen, 63, tubong Netherlands dahil matigas na nang madiskubre ang katawan nito.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima alas-6:45 ng umaga sa loob ng banyo ng English Bakery Apartelle.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan, nag-away ang biktima at ang nobya nitong si Liezel Camello, 26, ng Lahug, Cebu  kaya bigla itong umuwi sa kanilang probinsya.

May iniwan din itong suicide note para kay Camello at nakasaad kung gaano niya kamahal ito at maging sa kanyang mga anak sa unang asawa.

Naisagawa na rin ang postmortem examination sa bangkay ng biktima na nasa isang funeral home sa isla.

The post Dutch nat’l inabandona ng nobya, nagbigti appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>