SWAK sa kulungan ang isang mister nang mahuli ng asawa nito na minolestiya ang kanilang anak na dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Catmon Malabon City.
Ang suspek na naharap sa kasong rape ay kinilalang si Reneboy Florendo, 37, ng 258 Dulong Hernandez St., nasabing barangay.
Sa ulat, alas-7:00 kagabi nang pinasok ng suspek ang dalagitang anak at ginahasa.
Base sa reklamo ng ina ng dalagita, lasing ang suspek nang pasukin ang biktima sa kanyang kuwarto at pinaghahalikan saka ipinasok ang daliri sa ari ng dalagita.
Dahil dito, agad humingi ng tulong sa mga awtoridad ang ina ng biktima at ipinaaresto ang suspek.
The post Mister huling ginahasa ang anak, isinuplong ni misis appeared first on Remate.