PINATAWAN ng one (1) game suspension ang head coach ng Rain or Shine Elasto Painters na si Yeng Guiao ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Chito Salud kaninang hapon.
Dahil sa dirty finger na tinutok ni Guiao sa lamesa ng commissioner at technical committee ay nabigyan din siya ng fine na 100K.
“I would like to state unequivocally that this disciplinary sanction cannot fully convey the sense of regret of this Office for the insulting and unsavory antics Coach Guiao continues to display and foist on the players, the referees, his peers and the entire viewing public of the PBA, especially the youth, despite repeated well-meaning advice and counsel from this Office in the past.” saad ni Salud.
Naganap ang insidente sa Game 4 ng RoS at Petron kung saan ay nanalo ang una sa huli, 88-83 sa best-of-seven semifinals sa PLDT MyDsl-PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Namumuro na ang Rain or Shine Elasto Painters sa pagsampa sa Finals dahil hawak nila ang 3-1 bentahe.
Sa Biyernes ang Game 5 sa pagitan ng Elasto Painters at Boosters.
Malaking bagay sa E-Painters si Guiao subalit ayon kay Gabe Norwood, malaki pa rin ang tiwala nila sa isa’t-isa.
The post Guiao suspendido ng 1 laro, bukod pa sa P100K multa appeared first on Remate.