Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P78 milyong lotto jackpot kinubra na ng solo winner

$
0
0

KINUBRA na ng instant milyonarya na taga-Zamboanga del Sur ang mahigit P78 milyong jackpot prize na solong napanalunan sa 6/45 Mega Lotto na binola noong Enero 31 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, kahapon lamang kinubra ng 48-anyos na ginang na isang civil engineer ang kabuuang premyong P78,792,740.00 na katumbas ng kombinasyong 07-14-16-19-32-38 na solo niyang nakuha nang tumaya ng P40 sa lucky pick.

Dagdag pa ni Rojas, ilang ulit na ring nananalo sa four digit lottery ang ginang mula nang simulang tangkilikin ang lotto noon pang 1995 kaya’t ipinagpatuloy niya ang pagtaya hanggang makopo ang malaking halaga ng premyo.

Ayon pa kay Rojas, plano umano ng ginang na magtayo ng sariling neogsyo at maglaan sa edukasyon ng kanyang mga anak, bukod sa layuning ipaayos ang kanilang lumang bahay.

The post P78 milyong lotto jackpot kinubra na ng solo winner appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>