Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ama pinatay ng anak sa harapan ng kanyang ina

$
0
0

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng 30-anyos na lalaki ang sariling ama sa harap ng kanyang ina makaraang maghinala ang suspek na hindi pantay ang pagmamahal na iniuukol sa kanilang magkakapatid kahapon sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Alfredo Villavert, Sr., nakatira sa 551 E. Rodriguez Ext. sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinuko naman ng kanyang mga kapatid ang suspek na drug addict at miyembro ng Sigue-Sputnik Gang na si Alfred Villaver, Jr., naninirahan din sa tirahan ng kanyang mga magulang, tatlong oras makaraan ang nangyaring pamamaslang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo sa sopa at nagpapahinga ang mag-asawang Alfredo at Marietta Villavert alas-12:30 ng hapon nang lapitan ng suspek at kinompronta ang ama kaugnay sa umano’y hindi parehas na pagmamahal na ipinakikita sa kanyang mga anak.

Sinabi ng suspek na hindi niya madama ang pagmamahal ng isang ama at hirap na hirap na siya. Sa halip aniya na mamatay siya sa hirap, ang ama na lang niya ang uunahin niyang patayin.

Dahil sa sinabi ng anak, mistulang hinamon pa ng biktima ang anak na patayin na lamang siya kaya’t kumuha ng kutsilyo sa kusina ang suspek at paulit-ulit na pinagsasaksak ang ama sa harap ng nabiglang ina na nagtangkang pigilan ang anak.

Makaraan ang pananaksak, nagtatakbong patakas ang suspek at nagtungo sa bahay ng kanyang kapatid sa Saint Mary St., sa Maricaban at inamin sa kanyang ate na napatay niya ang kanilang ama.

The post Ama pinatay ng anak sa harapan ng kanyang ina appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan