PINATAWAN ng parusa ng Korte Suprema si dating Immigration Commissioner Atty. Homobono Adaza dahil sa paghahain ng “frivolous suit” o walang basehan na kaso laban sa isang mahistrado ng Korte Suprema.
Idineklara ng SC En Banc na guilty si Adaza sa kasong indirect contempt dahil sa paghahain ng kaso laban kay Associate Justice Vicente Veloso.
Ang frivolous suit ay karaniwang inihahain para gipitin ang isang partido.
Kaugnay nito, pinagmulta ng SC si Adaza ng limang libong piso sa loob ng 15 araw.
Nagbabala pa ang korte na sakaling gawin muli ni Adaza ang pagsasampa ng frivolous suit, maaari itong maging batayan para siya ay maisalang sa discriplinary proceedings.
Si Veloso ang may hawak ng kaso ng isa sa mga kliyente ni Adaza na si Tomas Merdegia.
Hiniling ni Merdegia na mag-inhibit si Veloso sa kaso, pero ito ay nabasura na naging dahilan naman para maghain si Merdegia ng administrative complaint laban sa mahistrado.
Noon namang October 3, 2013, ibinasura ng SC ang reklamo laban kay Veloso at pinagpaliwanag si Adaza kung bakit hindi siya dapat na mapatawan ng contempt.
The post Ex-Immigration Comm. Atty. Homobono Adaza ipina-contempt appeared first on Remate.