Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNoy magso-sorry sa Hong Kong kung…

$
0
0

KAILANGAN munang mapagkasunduan ang isang bagay sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong bago pa magpahayag ng formal apology si Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa Quirino Grandstand incident nooong Agosto 2010.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr., na nararapat munang ilagay sa tamang konteksto ang lahat bago pa mapapayag ang Punong Ehekutibo na magsabi ng kanyang “I am sorry” sa pamilya ng mga namatay na Hong Kong nationals.

Tila nais muna ni Pangulong Aquino na pagtuunan ng pansin ng Hong Kong government ang hanggang sa ngayon ay kawalan ng kompensasyon sa mga pamilya ng mga Pilipino na nasawi dahil sa mga hawig na pangyayari na naganap sa People’s Republic of China.

Ang malinaw aniyang narinig ay mayroong kaparehong insidente na katulad noong nakaraang taon.

“A Filipina doctor—Doctor Bunye from Cavite—was killed when there was a wayward vehicle that rammed itself into a crowd in Tiananmen Square. Then a few years ago, during the—I think during the past administration… This was the time of the… Well, many years ago, not in this… It did not happen during the current administration. There was a father and a daughter that were killed when a knife-wielding man attacked them also in Tiananmen Square. So these are parallel incidents to the act that was perpetrated by the police officer in the Quirino Grandstand incident, and that was the reply of the President, that there was no apology. There was no liability that was acknowledged for these episodes,” litaniya nito.

Sa kabilang dako, tinawagan naman ng pansin ng Malakanyang ang Pinoy workers sa Hong Kong na manatiling kalmado at ipagpatuloy lamang ang kanilang pagtratrabaho sa Hong Kong SAR.

Ngayon, Pebrero 5 kasi aniya ang unang araw ng pagkansela ng visa-free entry  sa Philippine official at diplomatic passport holders bilang babagi ng parusa ng Hong Kong sa Pilipinas kaugnay ng 2010 Manila hostage crisis.

The post PNoy magso-sorry sa Hong Kong kung… appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>