SINAMPAHAN ng kasong estafa sa Quezon City Prosecutors Office ang isang doktor at assistant nito dahil sa palpak na dental implant na isinagawa sa isang Filipino-Chinese na nagkakahalaga ng mahigit P1.1 million.
Kinilala ang sinampahan ng kaso na si Dr. Noel Velasco at Alberto Pansacala ng 14 Landsdale Bldg., Mother Ignacia cor., Timog Avenue, Quezon City.
Ayon sa reklamo ng complainant na si Santos Pre Ang, ng 1 Orchid Street, cor. Circumferential Road, Araneta Village, Brgy. Potrero, Malabon City nitong nakalipas na Oktubre 2008 ay nagtungo siya at ang kanyang anak na babae sa klinika ni Dr. Velasco sa Novel International Dental Implant sa no. 14 Landsdale Building, Mother Ignacia cor. Timog Avenue, QC para ipakonsulta ang kanyang problema sa ngipin.
Habang isinasagawa ang pagsusuri sa ngipin ng complainant, inirekomenda ni Velasco ang pagsasagawa ng dental implant treatment sa ngipin na aabot sa P1,140,000 ang halaga.
Agad isinailalim sa eksaminasyon at gamutan ang ngipin ng complainant na nagsimula noong 2008 hanggang December 2012 na aabot ang kabuuang kabayaran sa P1.190,000.
Matapos isagawa ang dental implant at repair sa ngipin nito ay hindi naging mabuti ang kondisyon nito dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang ulo at ngipin.
Ayon pa sa reklamo ng complainant, makalipas ang ilang beses na pagpapabalik-balik nito sa klinika ng doktor ay hindi pa rin nito naayos ang problema sa kanyang ngipin dahilan para kasuhan na nito ang doktor.
The post Palpak na doktor kinasuhan ng estafa appeared first on Remate.