NAGPALIWANAG ngayon sa Kamara si National Food Authority Administrator Orlan Calayag na hindi niya kilala at hindi siya nagkaroon ng anumang transaksiyon sa itinuturong rice smuggler na si Davidson Bangayan o David Tan.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food at Special Committee on Food Security ay nilinaw ni Calayag na wala siyang nakakaharap na rice importers.
Sinabi ni Calayag na dalawang beses niya lamang nakita si Bangayan at ito ay parehong sa imbestigasyon ng Senado sa isyu ng rice smuggling.
Binigyang diin pa nito na wala rin silang record sa NFA na nabigyan ng import permit ang isang Davidson Bangayan o kung konektado ito sa mga korporasyon na nabigyan ng ahensiya ng permiso para mag-angkat ng bigas.
Nagkaroon lamang siya aniya ng impormasyon ukol kay Calayag nang aminin nito sa Senado na konektado siya sa ilang korporasyon na rice importers.
Si Calayag ay humarap sa komite ng Kamara ngayon kasama si Agriculture Secretary Proceso Alcala.
The post NFA admin Calayag hindi kilala si Bangayan appeared first on Remate.