PINAALALAHANAN ng Malakanyang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na huwag ilagay ang batas sa kanyang mga kamay laban sa rice smugglers.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. na ang nasabing polisiya ay para sa lahat ng opisyal ng pamahalaan.
“All government officials, whether local or national, have the basic responsibility to uphold the rule of law,” ani Coloma sa media briefing.
Sinabi ni Duterte sa Senate hearing noong nakaraang Lunes, na mas ikatutuwa niya ang pumatay ng isang personalidad na sangkot sa rice smuggling kapag tumuntong ito sa Davao City.
Kinastigo ng alkalde ang mabagal na takbo ng hustisya sa bansa lalo na ang pagkastigo sa rice smugglers.
Ngunit binigyang diin naman ni Sec. Coloma na inilalagay lamang ng Aquino administration sa lugar ang systemic reforms para tugunan ang tinatawag na loopholes sa criminal justice system.
The post M’cañang kay Duterte: ‘Wag ilagay sa kamay ang batas’ appeared first on Remate.