WALANG anumang gamit na nasira sa condominium unit ni Deniece Cornejo taliwas sa inihayag ni Cedric Lee.
Ito ang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI), maliban na lamang kung nilinis na ito ng grupo ng negosyante.
Sa press conference, iprinisinta ng NBI sa media ang mga larawan at video ng pagpasok ng NBI agents sa Forbeswood condo unit ni Cornejo sa Taguig.
Kasama ng mga ahente ng NBI na umakyat sa condo ang may-ari ng unit na si Soledad Ramos at ang isa sa tenant na Malaysian national na si Gregory Binunus.
Ayon kay NBI-NCR Asst. Regional Director Vicente de Guzman, hindi na-turn over ni Cornejo ang susi ng kanyang unit kaya kinailangan pa itong wasakin para lamang mapasok ng NBI dahil naka-lock.
Sinukat ng NBI ang lawak ng kuwarto at kinuhanan ng larawan upang itugma sa mga salaysay nina Vhong at Deniece.
Naabutan din ng NBI ang paper bag na naglalaman ng pagkain na ipinadadala ni Cornejo sa komedyante.
Maliban dito, ang bakas ng dugo sa sofa lamang ang nakita ng NBI at ang laptop bag.
Babalikan ng NBI ang condo para magdala ng forensic expert at suriin ang mga marka ng dugo.
The post Walang nawala o nasira sa gamit ni Deniece – NBI appeared first on Remate.