IPINASISIYASAT ng Gabriela Women’s Partylist ang itinutulak na pagtataas sa pamasahe ng MRT at LRT.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan, dapat unahin ng administrasyong Aquino ang interes ng public commuters.
Sinabi nitong hindi dapat ipinapasa sa publiko ang utang sa mga pinasok na kontrata sa DOTC at MRTC sa pamamagitan ng pagtataas ng singil sa pasahe sa MRT at LRT.
Sinopla rin ni Ilagan ang ginawang tila pag-iendorso ni Pangulong Aquino para sa fare increase sa MRT at LRT at ang pamimilit sa mga lider ng Kamara para harangin ang resolusyong inihain ng Gabriela.
Sa House Resolution 664 na inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc ay binibigyang direktiba ang Committee on Transportation na magsagawa ng imbestigasyon sa dagdag na singil sa LRT at MRT na panibagong dagdag na pasanin na naman sa taumbayan.
The post Dagdag singil sa MRT at LRT ipinasisiyasat appeared first on Remate.