Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

PNoy ayaw sibakin sa puwesto si ERC Chair Ducut

$
0
0

HANGGANG ngayon ay wala pang nakikitang batayan si Pangulong Benigno Aquino III para sibakin sa puwesto si ERC Chairman Zenaida Ducut sa kabila ng ginawa nitong pagkatig sa kahilingan ng Meralco na taasan ang singil sa kuryente sa kanilang consumers.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na kailangan munang magkaroon ng batayan para sa magiging aksyon ng Pangulong Aquino laban kay Ducut kaya sa ngayon ay masasabi niyang ini-enjoy pa nito (Ducut) ang trust and confidence ng Punong Ehekutibo.

Pinalagan naman ng Malakanyang ang opinyon ng ilang grupo na nagdadalawang-isip na si Pangulong Aquino na bigyan ng leksyon si Ducut dahil sa mapangahas na desisyon nito na pumabor sa Meralco.

Nauna nang hiniling nina Akbayan partylist (Representative) Walden Bello at Samar Representative Ben Evardone kay Pangulong Aquino na sibakin na nga sa puwesto si Ducut dahil sa pagkatig nito sa hirit ng Meralco na taasan ang singil sa kuryente noong nakaraang Disyembre.

Samantala, muling inulit ng Malakanyang na malabong magkaroon ng malawakang brownouts dahil tinitiyak naman ng pamahalaan na may sapat na suplay ng kuryente ang bansa.

The post PNoy ayaw sibakin sa puwesto si ERC Chair Ducut appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan