Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tactical alliance ng BIFF at MNLF ikinaalarma

$
0
0

IKINABABAHALA ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon ang nabuong tactical alliance sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at MNLF Misuari faction.

Ang tactical alliance na ito ay kinumpirma mismo ng tagapagsalita ng MNLF Misuari faction na si Absalom Cervesa na nagsabing handa silang tumulong sa BIFF kapag dumating ang panahon na natutumba na ito sa laban sa militar.

Aminado si Biazon, chairman ng House Committee on National Defense na dapat seryosohin ng gobyerno ang nabuong tactical alliance dahil hindi aniya ito dapat makadiskaril sa negosasyon ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“They are both, the BIFF and the Misuari faction, fugitives from the law. Hindi na tayo dapat ma-surprise diyan. Palagay ko ang dapat nating tutukan ngayon ay kung ano ba ang damdamin at pananaw nitong Council of 15 ng MNLF. Kasi sa kasalukuyan, yan ang aking kino-consider na legitimate faction. Ito yong pinamumunuan ni Muslimin Sema. Pero hindi ko sinasabing kalimutan na yong Misuari faction. Kung gusto nila na makibahagi rito sa umiiral na peace process, nasa kanila yan,” ani Biazon.

Kasabay nito ay positibo ang kongresista na may kapasidad ang gobyerno na tuluyang durugin ang BIFF kung talagang gugustuhin nito.

Ngunit malaking sakripisyo ang dapat gawin dito ng gobyerno lalung-lalo na sa usapin ng resources.

Ang BIFF ay ang grupong humiwalay sa MILF para igiit ang isinusulong nilang independent Islamic state sa Mindanao.

The post Tactical alliance ng BIFF at MNLF ikinaalarma appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>