WALANG dahilan para tanggihan ni Makati Rep. Len Binay ang napanalunang P5 milyong halaga ng studio type Condo Unit sa Tower C The Groove Rockwell.
Sa panayam kay Binay, sinabi nitong hindi dinaya ang raffle na ginanap aniya sa maraming tao kaya walang dahilan para i-waive niya ito.
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa natatanggap na ako ang nanalo. Kung magri-rig naman po kami sana sa lotto na para mas malaki,” ayon kay Binay.
Talagang suwerte lamang aniya ang pagkapanalo niya dahil sa laki ng paghihirap ng Kongreso nitong nakaraang taon.
Gabi ng Chinese New Year nang malaman ni Binay ang kanyang napanalunan sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
Bagama’t madalas aniya siyang manalo sa mga raffle gaya ng flat TV, paintings, trip to Hong Kong at iba pa.
Sa ngayon aniya ay hindi pa pwedeng lipatan ang condo unit dahil kailangang bayaran niya pa ang may P800,000 gift tax.
“I still don’t know what to do with the unit. Hanggang ngayon ay wala pang plano.”
The post Napanalunang condo unit ni Cong. Binay hindi iwi-waive appeared first on Remate.