NANGANGAMBA ang Angkla Partylist sa posibleng pagkawala ng trabaho ng may 80,000 Filipino seafarers dahil sa napipintong pagbabawal sa mga Filipino seafarers sa Yuropa.
Upang makaiwas sa ganitong dilemma ay umapela si Angkla Partylist Rep. Jesulito Manalo kay Speaker Feliciano Belmonte, Jr., upang mapabilis ang pagpapasa sa House Bill 719.
Ang pagbabawal sa Filipino seafarers ay bunsod ng banta ng European Maritime Safety Agency (EMSA).
Kapag naipasa ang HB 719 ay naniniwala si Manalo na ito ay malaking tulong upang makatugon ang Pinoy seafarers sa EMSA batay sa 1978 International Convention on the Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers.
“Despite the significant contribution to our national economy, Filipino seafarers face innumerable problems and the EMSA threat is one of them,” ayon kay Manalo.
Sinabi pa ni Manalo na ang international seamen na mga Pinoy ay pinakamalaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa na P4.6 bilyon noong 2012.
Binanggit din ng kongresista ang pag-uutos ni Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Transportation and Communications, sa pamamagitan ng Maritime Industry Authority (MARINA), na siyang magpatupad sa STCW convention agreement.
Nakapaloob din sa panukala na ang Marina ang dapat na tumiyak sa examination at certification system ng mga marine deck at engineer officers batay na rin sa requirements ng STCW.
Ang ahensya rin ang titiyak sa maritime education, kabilang ang curricula at training programs na siyang nakasaad sa standards ng STCW.
The post 80,000 Pinoy seafarers mawawalan ng trabaho appeared first on Remate.