BINABANTAYAN pa rin ang West Philippine Sea makaraang ilang beses yanigin ng lindol at posibleng yanigin pa ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nabatid na 1:40 ng hapon nitong Sabado nang yanigin ng magnitude 3.9 na lindol ang hilagang-kanluran ng Bolinao, Pangasinan na nasundan ng pito pang pagyanig mula sa magnitude 3.1 hanggang 3.8 sa mga kalapit na lugar hanggang Linggo ng madaling-araw.
Bagama’t mababaw lang ang lindol, inaalam pa kung may ibang fault system na posibleng pinag-umpisahan ng lindol.
Posible namang masundan pa ang mga pagyanig at maaaring mas lumakas pa ayon sa PHIVOLCS.
The post Pagyanig sa West Philippine Sea binabantayan appeared first on Remate.