NAAGAPAN ng militar ang pagsabog ng “powerful homemade bomb” na itinanim ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao, kaninang umaga.
Ani Philippine Army’s 6th Division spokesperson Dickenson Hermoso, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente ng Brgy. Macasampen kaugnay sa iniwang improvised explosive device (IED) ng mga rebelde sa bahagi ng national highway.
Kung hindi naagapan ay malamang na ilang buhay na naman ang malalagay sa panganib.
Matatandaan na kahapon ay 12 katao ang nasugatan, kabilang ang dalawang journalists sa pagsabog ng bomba sa nasabi ring lalawigan.
The post Powerful homemade bomb naagapang wag sumabog appeared first on Remate.