NAGING madamdamin ang ginanap na misa kaninang alas-11 ng umaga para sa mga mamamahayag na namatay habang naka-duty sa kasagsagan ng paghambalos ng bagyong Yolanda sa Tacloban CIty.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ronald Vinas, Allan Medino, ng DYvl Action Radio; Archie GGlobio, Malou Baluyos, Vaintino Lopez ng DYbr; Ariel Aguillon, ng Bombo Radyo; Gorgonio Caing, writer ng Eastern Visayas Mail, Abelardo Orteza, ng Leyte-Samar Daily Express; Carolina Montilla, ACvl tele-dyaryo at Justenry Lagremas.
Pinangunahan ang misa ni Rev. Fr. Amado Alvero na dinaluhan naman ni City Mayor Alfred Romualdez at ilang mediamen.
The post 10 mediamen na namatay sa super bagyong Yolanda ginunita sa misa appeared first on Remate.