KALABOSO ang isang pulis matapos malaman na sangkot sa madayang timbangan sa mga binebentang scrap metal sa Caloocan City Sabado ng hapon, Pebrero 1.
Kasamang dinakip si SPO1 Noel Reyes, nakatalaga sa District Special Operation Unit ang apat na empleyado ng C-3 Weighing Services Inc. sa C-3, Caloocan City habang hinahanap pa ang isang Michael Navarro na may-ari ng junk shop kung saan ibinebenta ang mga scrap na metal.
Sa reklamo ni Severo Bolo, 52, contractor ng demolition sa Divisoria Mall, noong Nobyembre 6, 2013 nagsimula silang magbenta ng mga bakal sa mga suspek.
Kahapon ay nalaman nila na kulang ang timbang na tinatanggap kung saan nagiging mura ang bili ng nasabing junkshop.
Lumalabas na mahigit 400 tonelada ang napalusot ng mga suspek kung kaya nagreklamo na sila sa mga barangay tanod upang madakip ang mga suspek.
Isang Chief Insp. Torio ang nagpakilala at nagrekomenda sa mga nagrereklamo at kay Navarro na nagsisilbong kanang kamay si Reyes.
The post Pulis sabit sa madayang timbangan appeared first on Remate.