KAPWA sugatan ang isang pulis at bumbero matapos magsalpukan habang dala ang kani-kanilang motorsiklo sa Caloocan City Sabado ng gabi, Pebrero 1.
Ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng pinsala sa katawan si PO3 Mario Anthony Aresta, 36, nakatalaga sa Manila Police District habang sa Caloocan Medical Center naman dinala sanhi rin ng pinsala sa katawan si FO1 Richard Jarabelo, 27 ng Caloocan City Fire Department.
Base sa ulat, alas-6:30 ng gabi, lulan ng kani-kanilang motorsiklo ang pulis at bumbero at pagsapit sa kanto ng C-3 at B. Serrano ay nagkasalpukan na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital.
Inaalam na kung sino ang may kasalanan sa nasabing insidente.
The post Pulis at bumbero nagsalpukan kapwa sugatan appeared first on Remate.