UMAPELA ang Malakanyang sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pagbigyan ang hangarin ng pamahalaan na magkaroon ng kapayapaan sa rehiyong Mindanao.
Ito’y matapos sabihin ni Abu Misri [Mama], tagapagsalita ng BIFF na hindi sila kailanman susuko sa teroritang gobyerno na ang tinutukoy ay ang Aquino government.
“Siguro sana bigyan po natin ng pagkakataon ‘yung ito hong binubuong agreement, kakapirma lang ho ‘nung huling annex, para—let’s give it a chance. Let’s look at the annexes. Let’s look at how beneficial it will be to our brothers and sisters in Mindanao,” ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.
Sinabi pa rin ng opisyal na may mga lugar sa Mindanao gaya ng Maguindanao at ilang bayan sa North Cotabato na ginamit ang isang kampo doon para sa kanilang extortion at bombing activity.
Sa ulat, binigyang diin ni Abu Misri Mama na hindi susuko ang BIFF dahil handa silang makipagpatayan sa militar.
The post Malakanyang umapela sa BIFF appeared first on Remate.