Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bangsamoro agreement posibleng ideklarang unconstitutional

$
0
0

NAGPAHAYAG ng pangamba si Zamboanga Rep. Celso Lobregat na maideklarang unconstitutional ang GPH-MILF peace process na nagsusulong upang malikha ang isang Bangsamoro Region.

Sinabi ni Lobregat, ang kanyang pag-aalinlangan sa isinagawang pulong ngayon sa Kamara ng House Committees on Peace, Reconciliation and Unity, Muslim Affairs, at Mindanao Affairs.

Giit ni Lobregat na hindi naman nalinaw sa annexes ang Philippine constitution o ang posibilidad na magkaroon ng charter change (ChaCha) na posibleng masilip sa kabuuan ng proseso.

Ang Chacha aniya o pagpapalit ng ilang probisyon sa konstitusyon ang posibleng maging daan upang hindi magtagumpay ang peace process tulad ng nangyari noon sa MOA-AD na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.

Paliwanag ni Deputy Speaker Pangilian Banlindong na ang kasunduan ay pagpapatibay lamang sa Bangsamoro Region at hindi na mangangailangan pa ng Charter Change.

Inilahad naman ni GPH Panel for MILF Talks Prof. Mirriam Ferrer ang nilalaman ng normalization annex na nagsasabing gawing “crime and violence free” ang mga lugar sa Mindanao na palaging may gulo, ang pagbuo ng Independent Decommissioning Body na tututok sa mga pagsuko ng mga armas at pagbuwag sa Private Armed Groups.

Paliwanag pa ni Ferrer na hindi na rin kailangang isuko ang maliliit na baril sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngunit kailangan itong palisensyahan.

Ito ay sa proseso aniya ng decommissioning ng MILF Forces kung saan ang dapat isuko ay ang mga high powered weapon o mga uri ng armas na ginagamit ng mga ito sa giyera.

Magkakaroon aniya ng period of amnesty upang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng MILF  na iparehistro ang kanilang maliliit na armas.

The post Bangsamoro agreement posibleng ideklarang unconstitutional appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>