WALANG epekto sa Malakanyang ang inilalabas na positibong resulta ng mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) kay Pangulong Benigno Aquino III.
Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na ang bawat pagkilos ni Pangulong Aquino ay hindi nakabatay sa survey kundi sa hayagang pagharap sa sitwasyon ng mga mamamayan at bigyang tugon ang pangangailangan ng mga ito.
Ginagamit lamang aniya nila ang resulta ng survey sa kanilang academic value at reference point.
“Kaya nga, ano. Kung gusto nating maging on the optimistic side, siguro sasabihin nating ikagagalak natin ang resulta na ‘yan, ano. Pero ang aking pinupunto, ‘yung kilos ng gobyerno ay hindi naman nakabatay sa survey. Whatever are the survey results, ang prayoridad pa rin ng gobyerno [ay] harapin ‘yung sitwasyon ng mga mamamayan at bigyan ng tugon ‘yung kanilang pangangailangan. Kung anoman ‘yung naging resulta ng survey, we will just take it for its academic value,” anito sabay sabing “We will take it as a reference point pero hindi naman ‘yun ‘yong nagiging basis. Kaya kahit ano pa man ‘yon, katulad na rin ‘yan ‘nung mga fluctuating levels of net satisfaction, performance approval, at trust rating, these ratings can wax and wane. They can ebb and flow. The government remains determined in pursuing the priority programs of the Philippine Development Plan.”
Makailang ulit na aniyang sinabi ng Pangulo na hindi siya pinapatnubayan ng survey dahil ginagawa niya ang tama para mapagtagumpayan ang kanyang mandato.
Mas makahulugan pa rin aniya ang kongkretong pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan kahit may lumabas man o walang positibong resulta ng survey.
Wala ring pakialam ang Malakanyang sa pagiging neutral ng mga survey firm pagdating sa ginagawang pakikipaglaban ng gobyerno sa korapsyon at kagutuman.
Tinuran ni Sec. Coloma na amindao naman ang pamahalaan na talagang talamak ang kahirapan sa bansa at kaagapay ng kahirapan aniya ay ang kagutuman.
Kaya nga aniya iyon ang dahilan kung bakit lalo pang pinag-iibayo ng gobyerno ang pagsasagawa ng mga social welfare and development program.
The post Survey ng SWS at Pulse Asia, walang epekto sa M’cañang appeared first on Remate.