Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Paggamit ng DAP, itinigil na ng gobyerno

$
0
0

ITINIGIL na ng gobyerno ang paggamit sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa oral argument sa Korte Suprema kaugnay sa usapin, sinabi ni Solicitor General Francis Jardeleza na hindi na kailangan pa ng gobyerno ang DAP dahil naabot na nila ang layunin para sa ekonomiya ng paggamit ng P149 bilyong halaga ng DAP sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Jardeleza, noon pang kalagitnaan ng taong 2013 nang itigil nila ang paggamit ng DAP.

Nang una nilang ipatupad ang DAP noong Oktubre ng taong 2011, lumago ng 32.5 percent ang spending quarter ng Pilipinas sa nabanggit na taon.

Dahil dito, nakapagtala ang bansa ng 2.3 percent na full-year growth noong 2011.

Nang dahil din sa DAP, tumaas sa 11.8 percent ang year-on-year growth ng ekonomiya nitong katapusan ng 2013 at nakapagtala rin ang Pilipinas ng 7.4 percent GDP growth sa unang tatlong quarters ng 2013.

Dahil dito, maituturing nang moot and academic ang kasong nakabinbin sa SC hinggil sa DAP.

Ipinunto ni Jardeleza na anomang pagkwestiyon hinggil sa DAP ay hindi na dapat tumutok sa kabuuan ng programa, kundi sa mga partikular na pinaglaanan ng savings ng gobyerno sa ilalim ng DAP.

Kasabay nito, hinamon ni Jardeleza ang mga petitioner sa DAP na pumili na lamang mula sa 116 proyekto na pinondohan ng DAP na nais nilang maipawalang bisa.

Ang detalye ng mga DAP project ay isusumite ng OSG sa Korte sa February 5.

Samantala, hinimok din ni Jardeleza ang hukuman na maging maingat sa paglilimita sa constitutional authority ng Pangulo at ng Lehislatura kaugnay sa usapin ng budget processes.

Ito raw ay para makatugon nang maayos ang dalawang sangay ng gobyerno sa pangangailangan ng bansa.

Ilan sa mga proyekto na pinondohan ng DAP ay ang pagbili sa mga Doppler radar na ginagamit sa weather forecasting, pagbili ng mga 3D map para sa Project Noah na nakatulong sa flood forecasting; pagbabayad ng GSIS Premium ng 93,500 public school teachers; pagpapailaw sa mahigit 2-libong sitio at pagpapagawa ng halos 40 libong mga silid-aralan.

The post Paggamit ng DAP, itinigil na ng gobyerno appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>