Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tips para sa magandang kamay

$
0
0

HUGIS kandila ba ang iyong mga daliri? O isa ka sa halos itago ito dahil sa nakahihiyang hugis?

Para sa inyong kaalaman girls, isa sa nakaka-turn on sa kalalakihan ay ang magandang kamay.

Kaya para mapanatiling maganda ating kamay at daliri, narito ang ilang tips:

-Ugaliing laging maghugas ng kamay para hindi magmukhang parang nagkalkal tayo ng basura. Kumuha ng nail brush, siguraduhing lagi itong nakalagay sa lababo para everytime na maghuhugas ka ay hindi mo makalilimutang gamitin. Pagkatapos maghugas, ugaliin ding maglagay ng hand cream lotion para mapanatili ang lambot nito.

- Tandaan na ang pagpapanatili ng magandang kamay ay nag-uumpisa sa basic na gawain. Huwag ugaliing kinukutkut-kutkot ang mga kuko dahil makasisira ito sa hugis ng iyong mga daliri, lalo namang nakakahiya na kababae mong tao ay kinakagat mo ito. Ang pagkakagat ng mga kuko ay nakakasanayan simula pa pagkabata. Ang masama rito, marami ang nadadala ito hanggang paglaki at nagiging hobby.

Maraming products sa supermarket  ang makatutulong upang mahinto ang pagkukutkot ng kuko. Maaaring bumili ng super-hot o bitter things na maipipinta sa inyong mga kuko.

- Laging maglagay ng hand cream bago matulog para mapanatili ang smooth skin. Ngayon kung ang inyong kamay ay magaspang o di kaya ay hindi mo mapigil ang sarili sa pagkutkot ng kuko, lagyan ito ng thin cotton gloves at hand cream.

- At para lalong maganda sa paningin, maglagay ng bright nail polish. Piliin siyempre ‘yung mga original na brand ng nail polish at huwag na ang mumurahin upang maiwasan ang fungus.

The post Tips para sa magandang kamay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan