ISANG araw matapos magsalita ang TV host-actor na si Vhong Navarro ay naglabas na rin ng pahayag ang babaeng sangkot sa naturang isyu na si Deniece Cornejo.
Ani Deniece kay Vhong “If you want justice, I will give you the real justice.”
“In the field of women’s rights. The right will always be right. Mataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang kababaihan. Kung may biktima at inosente dito, wala nang iba kundi ako.”
Sinabi rin ni Deniece na dahil sa ginawa ni Vhong ay lalong lumakas ang kanyang loob na magsampa na ng kaso kasama ang iba pang babae na kanyang sinasabing minanyak din ni Vhong at pinagsamantalahan.
Matatandaang naganap ang pambubugbog sa aktor matapos siyang tangkaing gahasain ni Vhong, na una nang pinabulaanan ng TV host-actor.
Ang naturang insidente ay nangyari sa condominium unit ni Deniece sa Bonifacio Global City nitong Enero 22, batay sa police blotter sa tanggapan ng Southern Police District sa BGC.
Ang nasabing blotter ay pirmado ni Ferdinand Navarro, ang tunay na pangalan ni Vhong.
Bukod kay Cornejo ay nagbigay na rin ng kanyang pahayag ang isa sa bumugbog kay Vhong na si Cedrick Lee.
Ani Lee, inamin ni Vhong ang kanyang ginawa kay Deniece at sa katunayan nga ay humingi pa ito sa kanila ng tawad.
Itinanggi rin ng businessman na naging karelasyon din ng aktres na si Vina Morales na kanilang kinokotongan ang aktor.
The post Vhong Navarro manyak! appeared first on Remate.