Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bahay ni Vhong tangkang pasukin ng ‘di kilalang lalaki

$
0
0

DUMULOG na sa Department of Justice (DoJ)  ang mga abogado ni TV Host/actor Vhong Navarro upang hilingin ang malalimang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pambubugbog noong Enero 22 sa aktor.

Kasama ni Atty. Denni Manalo na nakipagpulong kay Justice Secretary Leila de Lima ang manager ni Vhong na si Chito Roño.

Pakay ng kanilang pakikipagpulong sa kalihim na matiyak na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa kaso ni Navarro.

Ayon kay Manalo isang tao ang nagbantang pumasok sa bahay ng actor sa Quezon City.

Ayon kay Manalo, isang tao ang kumatok sa gate ng bahay ni Navarro at pasigaw na kinausap ang kasambahay at sinabing pagbuksan siya ng gate.

Pero hindi sumunod ang kasambahay kaya hindi nakapasok ng bahay ang nasabing tao.

Nangyari ang pagbabanta matapos ang pagpapaunlak ni Navarro ng panayam sa isang TV network kaugnay ng nangyaring pambubugbog sa kanya.

Bagamat hindi pa kumpirmado kung konektado ang nasabing pagtatangka sa insidenteng kinasangkutan ng actor/TV host, nakaramdam naman ng takot ang pamilya Navarro.

Kasama ni Manalo na nagtungo sa DoJ ang manager ni Vhong na si Chito Roño.

The post Bahay ni Vhong tangkang pasukin ng ‘di kilalang lalaki appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>