PUMANAW na si dating NBI Director Epimaco Velasco sa edad na 78.
Ayon sa kanyang pamilya, si Velasco ay binawian ng buhay sa Divine Grace Hospital kaninang alas-otso imedya ng umaga dahil sa atake sa puso.
Nabatid na isinugod nitong Linggo sa pagamutan si Velasco at na-confine pa sa Intensive Care Unit bago tuluyang namaalam.
Si Velasco ay nagsilbing NBI director mula 1992 hanggang 1995.
Nanungkulan din siya bilang gobernador ng Cavite mula 1995 hanggang 1998 at DILG Secretary mula February 4, 1998 hanggang May 30, 1998.
Siya ay ang ama ni dating Cavite Prosecutor Chief Manny Velasco na pumanaw na rin noong nakalipas na taon.
The post Dating NBI Director Epimaco Velasco pumanaw na appeared first on Remate.