Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

10 politiko na tinik sa rehab program ni Lacson ayaw pangalanan

$
0
0

WALANG balak si Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery Sec. Panfilo Lacson na pangalanan ang 10 politiko na nagsilbing tinik at hadlang sa pagbangon ng mga lugar lalo na sa Tacloban City na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Sec. Lacson, hindi importante ang pangalan ng mga politikong nagsisilbing “kalawang” sa isinusulong niyang programa.

“Actually nung tinanong ako, hindi ko naman sinabing 10, sabi ko “not more than 10”, ito iyong getting in the way. But, you know, that’s of no moment. Ang importante rito iyong idea na kung ayaw ninyong tumulong, huwag na kayong mag-obstruct. Huwag nalang kayo kumibo o kaya huwag na kayong humarang,” anito.

At katulad aniya ng tinuran ni Dirty Harry na “either you’re in or in the way” ay hinikayat nito ang mga politiko na makiisa na lang sa kanilang programa subalit kung ayaw naman aniya ay mabuti pang huwag nang maging hadlang sa kanilang isinusulong na rehab program sa Tacloban City.

Tinuran nito na hindi naman masyadong importante na ilahad pa ang pangalan ng mga politiko dahil ang importante aniya ngayon ay ang mensahe na may nagmamaniobra ng bunkhouses sa Tacloban City.

Kaya nga, inatasan niya ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon at matapos ito sa takdang panahon.

The post 10 politiko na tinik sa rehab program ni Lacson ayaw pangalanan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>